Nagpatupad na ng pre-emptive evacuation ang may limang Lungsod at Munisipalidad na sentro ng bagyong Samuel.
Batay sa report mula sa NDRRMC, kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng pre-emptive evacuation ang Cagdiano, San Jose, Surigao City, Cagawait at Hinatuan.
Papalo naman sa halos Tatlonglibong pasahero ang istranded na sa mga pantalan kabilang na ang Apatnaraan at labindalawang rolling cargoes, Isandaan at Pitong barko at Tatlumpu’t isang motorbancas.
Ito ay sa Central Visayas, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Visayas at Northeastern Luzon.
Sa kasalukuyan, nakataas na ang Blue Alert sa mga lugar ng CARAGA, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Davao Oriental, Compostella Valley, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, Bohol at Cebu.
Habang nakataas na ang Red Alert Status sa mga lalawigan ng Samar, Leyte at Dinagat Island kung saan inaasahang magla-landfall ang bagyong Samuel.