BAGYONG SAMUEL | CARAGA Region, naka-red alert na

Naka red alert na ang buong CARAGA Region dahil sa banta ng landslide at flashflood bunsod ng bagyong Samuel.

Nag-abiso na rin ang Office of Civil Defense sa Rehiyon na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga Coastal barangay at mountainous areas na posibleng magkaroon ng landslide.

Habang nakapwesto na ang rescue asset ng CARAGA at naka-antabay na rin ang mga uniform services sa rehiyon.


Maliban naman sa Agusan river na karaniwang nagpapabaha sa Rehiyon, binabantayan rin ang mga small scale mining.

Facebook Comments