BAGYONG SAMUEL | Higit 5,000 mga pasahero, stranded sa mga pantalan

Manila, Philippines – Nasa 5,656 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ang stranded ngayon hapon kasunod ng pagpasok ng bagyong Samuel sa Philippine Area of Responsibility.

Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Coast Guard, ang pinakamaraming pasaherong stranded ay naitala sa pantalan ng Dumaguete Port, Negros Orriental na mayroong 1,123 passengers.

Sinundan naman ‘yan ng Matnog Port, Sorsogon na mayroong 1,047 na mga pasahero.


Bukod sa mga byahe, hindi na rin muna pinayagang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat gaya 728 rolling cargoes, 47 motorbanca at 159 vessel, dahil sa pabago – bagong lagay ng alon sa karagatan, na dala pa rin ng bagyong Samuel.

Facebook Comments