BAGYONG SAMUEL | Higit 7,000 mga pasahero, stranded sa mga pantalan ngayong hapon

Nasa 7,193 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ang stranded ngayon hapon dahil sa bagyong Samuel.

Sa pinakahuling datos mula sa Philippine Coast Guard, ang pinakamaraming pasaherong stranded ay naitala sa pantalan ng Southern Visayas na mayroong 1,275 passengers.

Sinundan naman ‘yan ng mga pantalan sa Eastern Visayas na mayroong 980 na mga pasahero.


Bukod sa mga byahe, hindi na rin muna pinayagang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat gaya 1,208 rolling cargoes, 43 motorbanca at 164 vessel, dahil sa pabago-bagong lagay ng alon sa karagatan, na dala pa rin ng bagyong Samuel.

Facebook Comments