Bagyong Sarah, humina bilang tropical depression

Nananatili sa hilagang boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Sarah

Huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Humina pa ang dala nitong hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Kumikilos ang bagyo sa pa-hilaga sa bilis na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, wala nang direktang epekto sa bansa ang bagyo.

Anumang oras ay posibleng lumabas na ito ng bisinidad ng bansa at humina pa bilang Low Pressure Area (LPA).

Tanging hanging amihan na lamang ang nakakaapekto sa northern at central Luzon.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay maaliwalas ang panahon maliban sa mga isolated thunderstorms.

Facebook Comments