Cauayan City, Isabela- Wala pang gaanong epekto ng bagyong Siony ang nararamdaman sa probinsya ng Cagayan na kabilang sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Cagayan Governor Manuel Mamba, maayos pa rin naman aniya ang sitwasyon at panahon sa kanyang nasasakupan sa kabila ng inaasahang pagtama ng bagyong Siony ngayong araw sa Batanes.
Wala din aniyang naitalang pagbaha sa kanyang nasasakupan lalo na sa mga nasa low lying areas o anumang epekto ng bagyong Siony maliban na lamang sa mga lugar na dating nakaranas ng pagbaha dulot ng nagdaang bagyong Pepito.
Passable din aniya ang mga overflow bridges sa probinsya.
Bagamat maayos ang nararanasang panahon sa Cagayan ay hindi naman aniya nagpapakampante ang pamahalaang panlalawigan sa posibleng magiging epekto ng bagyong Siony.
Ipinagbawal na rin ang paglayag sa dagat dahil sa inaasahang malalakas na alon upang maiiwas ang sinuman sa panganib.
Sa kasalukuyan nasa signal number 2 ang Batanes at Babuyan Islands habang nasa ilalim ng signal no.1 ang northern portion ng Mainland ng Cagayan, northern portion ng Apayao at northern portion ng Ilocos Norte.