Bagyong Siony, inaasahang lalakas pa habang papalapit ng Batanes at Babuyan Islands

Papalapit na sa bisinidad ng Batanes at Babuyan Islands ang Tropical Storm Siony.

Huling namataan ang bagyo sa layong 985 kilometers Kanluran ng Katimugang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 km/hr.


Mabagal itong kumikilos sa direksyong kanluran patungo sa katimugang bahagi ng Vietnam

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signals sa sumusunod:

SIGNAL NUMBER 2:
Batanes
Silangang bahagi ng Babuyan Islands

SIGNAL NUMBER 1
Natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Hilagang bahagi ng Cagayan
Hilagang bahagi ng Apayao
Hilagang bahagi ng Ilocos Norte

Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang bibilis ang kilos ng bagyo at may tiyansang mag-landfall o lalapit lamang sa mga isla ng Batanes at Babuyan islands bukas ng umaga o tanghali.

Posibleng lumakas pa ang bagyo bilang Typhoon bukas ng umaga habang patawid ito ng Batanes at Babuyan islands.

Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan islands bukas ng umaga.

Ang trough o buntot ng bagyo ay magdadala ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Pangasinan and ilang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng hapon.

Facebook Comments