Napanatili ng Bagyong Siony ang lakas nito habang kumikilos papuntang Bashi Channel.
Huli itong namataan sa layong 50 kilometro Hilagang Kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (kph) at pabugsong 115 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 20 kph.
Nakalagpas na ang bagyo sa Itbayat kasunod ng pag-landfall nito sa nasabing bayan kaninang alas 7:50 ng umaga.
Gayunman, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Batanes habang signal number 1 sa Babuyan Ssland.
Bagama’t inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Siony mamayang gabi, posible namang pumasok din sa PAR mamayang hapon o gabi ang isa pang Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa PAGASA, posible itong maging Tropical Depression sa susunod na 48 hours at tatawaging ‘Bagyong Tonyo’.
Samantala, nananatili namang maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa liban na lamang sa mga biglaang pag-ulan dulot ng isolated thunderstorms.