Bagyong Talim, papasok na sa Philippine Area of Responsibility – ilang biyahe ng eroplano, kanselado

Manila, Philippines – Inaasahang papasok na sa Philippine Area of Responsibility si Talim na ganap nang isang bagyo.

Si Talim ay may taglay na hangin na 120 kph at pagbugso a 145 kph West Northwest sa bilis na 25 .

Tinutumbok nito ang direksyon ng Northern Luzon, gayunman ayon kay weather Forecaster Meno Mendona, hindi na ito tatama sa kalupaan dahil tinatahak na nito ang Taiwan area.


Minomonitor din ng PAGASA Weather Bureau ang Low Pressure Area na magdadala ng mahina at katamtamang lakas ng pag ulan at thunderstorms sa
Metro Manila, Visayas, Mimaropa, Calabarzon, Bicol region, Quezon at Aurora .

Dahil sa masungit na lagay ng panahon, kanselado ang mga biyahe ng: Cebu Pacific na biyaheng Manila to Virac at Manila to Naga.

Facebook Comments