Bagyong Tino, napanatili ang lakas nito habang papalabas ng bansa

Manila, Philippines – Napanatili ng bagyong Tino ang lakas nito habang papalabas ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometro sa ng kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 28 kilometro kada oras.

Dahil dito, asahan pa rin ang isolated thunderstorm sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa, Cagayan, Aurora, at Quezon dahil sa through ng bagyo at hanging amihan.

Isolated rainshower naman ang iiral sa Ilocos at Cordillera Regions at Batanes Islands habang magandang panahon na ang asahan sa Mindanao.

Sunrise: 5:58 am
Sunset: 5:24 pm

Facebook Comments