Bagyong Tino, nasa labas na ng bansa

Manila, Philippines – Nasa labas na ng bansa ang bagyong Tino.

Base sa latest weather bulletin ng PAGASA, bagamat nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tino, makakaranas pa rin ang bansa ng moderate to heavy rains sa loob ng 300 km diameter ng tropical storm.

Huling nakita ang sentro ng bagyo sa layong 70 km sa east northeast ng Pag-Asa Island sa Palawan.


Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 kilometro kada oras.

Kumikilos si tropical storm lino sa west northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Bukas, inaasahang nasa 465 kilometro na ito sa timog na bahagi ng Pag-asa island.

Dahil dito, asahan pa rin ang maulang panahon sa Mimaropa at Bicol region.

Magkakaroon din ng isolated rainshower sa Visayas partikular sa Tacloban, Iloilo, Bacolod at Metro Cebu.

Sa Mindanao, good news naman dahil fair weather na ang iiral sa Davao City pati na rin sa Zamboanga City.

Sunrise – 5:58 am
Sunset – 5:24 pm

Facebook Comments