Bagyong Tonyo, bahagyang bumilis; Nasa karagatang sakop na ng Occidental Mindoro

Bahagyang bumilis ang kilos ng bagyong “Tonyo” na ngayon ay nasa coastal water na ng Paluan, Occidental Mindoro.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 105 kilometers Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Kumikilos ito pa Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.


Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h at pagbugsong hanggang 60 km/h.

Sa ngayon, nakataas na lamang ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa northwestern portion ng Occidental Mindoro partikular sa Abra de Ilog, Paluan, Mamburao at Santa Cruz kabilang din ang Lubang Island.

Facebook Comments