Papalabas na ngayong umaga ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Tonyo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Bahagyang lumakas ang dala nitong hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 km/hr.
Ayon sa DOST-PAGASA, lalakas pa ito bilang Tropical Storm sa susunod na 24 oras.
Patuloy itong kumikilos pakanluran sa bilis na 30 km/hr. at inaasahang nasa 965 kilometers kanluran ng Katimugang Luzon ang bagyo.
Magdadala pa rin ito ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Kalayaan islands.
Ang tail-end of cold front at Bagyong Tonyo ay magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera at Aurora province.
Mayroong mahihina hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Central Luzon, Batanes at Babuyan islands.