Bahagyang lumakas at bumilis ang Bagyong Ulysses habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran ng Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 475 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pabugsong 90 kph.
Patuloy pa rin itong kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang:
Luzon:
• Catanduanes
• Camarines norte
• Camarines sur
• Albay
• Sorsogon
• Silangang bahagi ng Masbate
• Timog na bahagi ng Quezon
Visayas
• Northern Samar
• Hilagang bahagi ng Samar
• Hilagang bahagi Eastern Samar
Samantala, sa susunod na mga oras, posibleng isailalim na rin sa Signal Number 1 ang mas marami pang lugar sa CALABARZON habang Signal Number 2 ang ilang lugar sa Bicol Region.
Sa ngayon, mahihina hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern at Central Visayas, Caraga, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi bunsod ng Bagyong Ulysses.
Habang magdadala ang tail-end of a cold front ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cagayan, Babuyan Island, Isabela at Apayao.
Maaliwalas na panahon naman ang mararamdaman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa liban na lang sa paminsang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.