Bahagyang lumakas ang bagyong Ulysses habang nasa layong 620 kilometers kanluran ng Iba, Zambales sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km/h at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Bagama’t wala na itong direktang epekto sa ating bansa, Tail-end of Cold Front naman ang makaka-apekto sa Batanes at Babuyan Group of Islands kaya asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa lugar.
Magiging maulan din ang panahon sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley bunsod naman ng Northeast Monsoon o Amihan.
Inaasahang magiging maganda naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa pero posible pa rin ang mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.