Lalo pang lumakas at isa nang ganap na typhoon ang Bagyong “Ulysses”.
Huling namataan ang bagyo sa layong 100 kilometers Hilaga ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour at pagbugsong 155 km/h.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 km/h sa direksyong Kanluran Hilagang-kanluran o papalapit sa Quezon-Aurora area.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal number 3 sa:
- Katimugang bahagi ng Aurora
- Katimugang bahagi ng Nueva Ecija
- Silangang bahagi ng Bulacan
- Metro manila
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Hilaga at gitnang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Catanduanes
- Camarines norte
- Hilagang bahagi ng Camarines Sur
Signal number 2 naman sa:
- Gitna at katimugang bahagi ng Quirino
- Gitna at katimugang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Katimugang bahagi ng Benguet
- Katimugang bahagi ng La Union
- Pangasinan
- Zambales
- Bataan
- Tarlac
- Natitirang bahagi ng Pampanga
- Nalalabing bahagi ng Aurora
- Batangas
- Natitirang bahagi ng Quezon
- Marinduque
- Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island
- Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
- Natitirang bahagi ng Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Burias at Ticao Islands
At signal number 1 sa:
- Isabela
- Nalalabing bahagi ng Quirino
- Nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- Kalinga
- Mountain province
- Ifugao
- Natitirang bahagi ng Benguet
- Abra
- Ilocos sur
- Natitirang bahagi ng La Union
- Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
- Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
- Romblon
- Natitirang bahagi ng Masbate
- Northern Samar
- Hilagang bahagi ng Samar
- Hilagang bahagi ng Eastern Samar
Kaugnay nito, makararanas ng malakas na hangin at pag-ulan ang mga rehiyon sa eyewall at inner rainbands ng bagyo partikular sa hilagang bahagi ng Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte hanggang mamayang gabi gayundin sa Aurora at hilagang bahagi ng Quezon.
Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Ulysses sa Polillo Islands at mainland Quezon mamayang gabi o bukas nang umaga.
Hihina ang bagyo oras na makatawid ito sa mainland Luzon dahil sa frictional effects ng presensya ng Sierra Madre at Zambales Mountain Ranges.