Bagyong Ulysses, nag-iwan ng isang patay at tatlong nawawala sa Camarines Norte

74

Nakapagtala na ang Office of Civil Defense (OCD) Bicol Region ng isang patay at tatlong nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Camarines Norte.

Ayon kay OCD Bicol Spokesperson Gremil Naz, mayroon silang naitalang isang biktima sa bayan ng Daet.


Kinilala ang nasawi na si Avelino Cabanela, 68-anyos, residente ng Purok 1, Barangay Bagasbas, Daet na natagpuang walang buhay habang nasa bubong ng kanilang bahay.

Pero sinabi ni Naz na sasailalim pa ito sa beripikasyon ng management of dead cluster.

Ang tatlong indibidwal na nawawala ay nagmula naman sa bayan ng Vinzons na sina Jessy Boy Alvarez, 33; Roland Alvarez, 48; at Bobby Masaya, 19.

Sa bayan ng Mercedes, isang nagngangalang Glenn Isaac, 38-anyos ang nasugatan.




Sa huling datos ng OCD Region 5, aabot na sa 2,604 families o 9,282 individuals ang na-displaced.

Facebook Comments