Bagyong Ulysses, nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Ulysses kaninang umaga.

Huli itong namataan ng pagasa sa layong 500 kilometro Kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 150 km/h.


Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h.

Sa kasalukuyan, makakaranas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Island.

Habang mahina hanggang sa katamtaman na paminsang malakas na ulan ang mararamdaman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte at Aurora.

Asahan naman ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngayong araw.

Samantala, ayon sa PAG-ASA may tatlo pang Tropical Cyclones ang inaasahang papasok sa PAR bago matapos ang 2020.

Facebook Comments