Napanatili ng Bagyong Ulysses ang kaniyang lakas at ngayon ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea sa silangan ng Zambales.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 85 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 200 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras at inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Pero sa kabila nito, ilang lugar pa rin ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 kabilang ang:
Mga lugar sa kanlurang bahagi ng Pangasinan
Zambales
Bataan
Tarlac
at Pampanga
Signal no. 2 sa:
– Gitna at katimugang bahagi ng Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Katimugang bahagi ng Ilocos Sur
– La union
– Nalalabing bahagi ng Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Bulacan
– Metro Manila
– Cavite
– Rizal
– Laguna
– BATANGAS
– Mga lugar sa hilaga at kanlurang bahagi ng Quezon (kabilang ang Polillo Islands)
– Hilagang kanlurang bahagi ng Oriental Mindoro
– Hilagang kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro (kabilang ang Lubang Island)
samantala, nakataaas naman ang Signal no. 1 sa mga sumusunod
– nalalabing bahagi ng Isabela
– Kalinga
– Abra
– nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
– nalalalabing bahagi ng hilaga ng Oriental Mindoro
– at gitnang bahagi ng Quezon
Dahil dito, mataas pa rin ang tyansa na magkaroon ng storm surge o daluyong na aabot sa tatlong metro ang taas sa mga coastal areas ng Aurora, Northern Quezon including Polillo Islands, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.