Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility ngayong umaga ang Typhoon Ulysses.
Huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 120 kilometers per hour at pagbugsong nasa 150 km/hr.
Kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 km/hr.
Wala ng lugar ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals.
Gayumapaman, palalakasin at hihilahin ng Bagyo ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan na magdadala ng malalakas na hangin sa Batanes, Babuyan Islands, Cordillera Region, Ilocos Region, Zambales, Bataan at hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island.
Asahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan, silangang bahagi ng Isabela at hilaga at gitnang bahagi ng Aurora, Quirino at Apayao.
May mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, natitirang bahagi ng Aurora at hilagang bahagi ng Quezon, Zambales at Bataan.