Manila, Philippines – Kinumpirma ni Biliran Governor Gerardo Espina na umakyat na dalawampu’t anim (26) ang patay habang dalawampu’t-tatlo (23) naman ang nawawala sa naging hagupit ng Bagyong Urduja sa kanilang probinsya.
Sa interview ng RMN, sinabi ni Espina na ay matapos na mabaon sa lupa ang aabot sa pitong pamilya mula sa tatlong bayan.
Pinangangambahan namang madaragdagan pa ang bilang ng mga casualties sa nagpapatuloy na search and retrieval operation.
Kasabay nito, nanawagan si Governor Espina sa national government para sa pagsasaayos ng limang nasirang tulay dahil isolated na aniya ang ilang lugar sa probinsya.
Sa ngayon ay isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsya.
Facebook Comments