Manila, Philippines – Humina na ang bagyong Urduja matapos na mag-landfall sa Taytay, Palawan kaninang alas-otso ng umaga.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 kilometers north north-west ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pakanluran sa bilis na 18 kph.
Kung hindi magbabago ang kilos, bukas ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang signal number 1 sa Palawan.
Katamtaman hanggang sa minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Calabarzon, Aurora, Mindoro, Marinduque at Romblon dahil sa tail end ng cold front.
Hanging amihan naman ang nakaaapekto sa Metro Manila.
Humina na rin ang isa pang binantayang bagyo ng PAGASA sa labas ng PAR at ito ay isa na lang Low Pressure Area.