Manila, Philippines – Umakyat na sa 2,900 mga pasahero ang istranded ngayon sa mga pantalan matapos maabutan ng sama ng panahon sa kanilang biyahe.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) karamihan sa mga pasaherong ito ay nasa Port of Manila.
Sa ngayon apat na tulay ang hindi maaring daanan ito ay mga tulay sa Biliran, Leyte at Samar.
14 na road section rin ang hindi madaaanan ito ay sa MIMAROPA, Bicol Region, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, Davao region at CARAGA.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 48 na mga bahay na totally damage sa Region 8 at CARAGA habang 101 naman ay partially damage.
Sa kasalukuyan nanatiling naka red alert ang NDRRMC upang matutukan ang epekto ng pananalasa ng bagyong Urduja.