Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit 3000 katao ang nape-perwisyo ng bagyong Urduja kung saan na-stranded ang mga ito sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Bicol Region.
Ayon sa pinakahuling ulat mula kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo sa Port of Looc 293 na pasahero, 1 sasakyang pandagat at 62 na rolling cargoes ang na-stranded habang sa Port of San Isidro ay 258 na passengers at 29 na rolling cargoes ang na-stranded, sa Port of Jubusan naman 114 passengers at 17 rolling cargoes ang na-stranded dulot pa rin ng sama ng panahon.
Sa Bicol Region naman sa Port of Virac ay may 8 na pasahero ang naistranded, 1 vessel at 4 na rolling cargoes habang sa Port of Masbate 10 pasahero, dalawang dosenang rolling cargoes, isang sasakyang pandagat at dalawang motor bancas ang hindi pinabyahe dahil sa bagyong Urduja.
Pinakamaraming na stranded sa Port of Tabaco na may 295 na pasahero 67 rolling cargoes at mahigit isang dosenang bangkang de motor.
Dagdag pa ni Balilo sa kabuuang bilang papalo sa 3,141 ang mga pasaherong istranded mula sa nabanggit na Rehiyon gayundin ang 25-Vessels at 636 Rolling Cargoes.
Pinayuhan ni Balilo ang lahat ng PCG units na tiyakin na mahigpit ipatupad ang HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o panuntunan sa paglalayag sa mga sasakyang pandagat sa oras ng may sama ng panahon.