BAGYONG URDUJA | Mga barko ng Philippine Navy, ideneploy na para sa humanitarian assistance and disaster response

Manila, Philippines – Tumutulong na ang hanay ng Philippine Navy sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Urduja.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain Lued Lincuna, nakikipag-ugnayan na na ang Philippine Navy sa mga Local Government Agencies, at Local Government Units para tumulong sa paghahatid ng mga relief goods at magbigay ng iba pang serbisyo para sa mga apektadong pamilya matapos manalasa ang bagyong Urduja.

Partikular na inutusan ni Flag Officer In Command, Philippine Navy, Vice Admiral Ronald Joseph Mercado Naval Forced Central (NFC) na nakabase sa Mactan, Cebu na tumulong sa Humanitarian and Disaster Response (HADR) missions sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja.


Utos ni Mercado, gamitin ang mga bago at malalaking barko ng Philippine Navy para sa HADR missions.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine Navy sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja.

Facebook Comments