Manila, Philippines – Bahagyang lumakas ang bagyong Urduja pero bumagal habang papalapit ng Eastern Samar.
Huling namataan ang bagyo sa 120 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar at taglay na nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 7 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi o kaya bukas ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Eastern Samar.
Dahil sa paglapit ng bagyo sa kalupaan nadagdagan pa ang mga lugar na nakataas ang public storm warning signal number 1.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Catanduanes Camarines Sur
Albay Sorsogon
Masbate Romblon
Eastern Samar Northern Samar
Samar Biliran
Leyte Southern Leyte
Northern Cebu Bantayan Island
Capiz Aklan
Northern Iloilo
Wala ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Camarines Sur, Naga City, Northern Samar at Tacloban City.
Pre-school hanggang elementary naman sa Albay at Sorsogon.
Kanselado na rin ang biyahe ng eroplano ng Syke Jet, Manila papuntang Siargao at pabalik ng Metro Manila.