BAGYONG URDUJA | Mga stranded sa mga pantalan, lumubo sa walong libo

Manila, Philippines – Nasa 8,483 na ang mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ang stranded ngayong araw bunsod ng sama ng panahong dala ng bagyong Urduja.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa Bicol Region sa pantalan ng Matnog, na mayroong 3, 200 stranded passengers, na sinundan naman ng pantalan dito sa Maynila na mayroong 2,756 stranded passengers.

Sa kabuuan nasa 31 naman ang rolling cargoes, 887 vessels at 21 motor bancas ang hindi muna pinayagang makapalaot.


Nananatili namang mahigpit ang pagpapatupad ng PCG sa seguridad at mga guidelines sa pagbyahe bunsod ng dahil sa pabago bagong galaw ng mga alon bunsod ng bagyong Urduja.

Facebook Comments