Manila, Philippines – Nananatili sa karagatan ang tropical depression ‘Urduja’.
Huli itong namataan sa layong 455 kilometers silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 kph.
Kumikilos sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.
Umiiral pa rin ang hanging amihan sa malaking bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.
Tail-end of cold front naman ang nakakaapekto sa ilang bahagi ng Bicol Region at Quezon province.
Dahil dito, asahan ang maulang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Samantala, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur habang pres-school hanggang elementarya Albay.
Facebook Comments