Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay naka-preposition na ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagdating ng bagyong Urduja.
Sa katunayan, naka-blue alert status na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga regional police Offices ng Office Civil Defense na tumbok ng bagyong Urduja na inaasahang magla-landfall sa weekend.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, partikular na nakaalerto ay ang operation centers ng NDRRMC kung saan 24 oras na magmomonitor ang mga tauhan ng NDRRMC.
Bago naman ang araw ng Biyernes ay itataas pa nila ang kanilang alerto, ito ay upang matiyak na handa ang kanilang ahensya sa epekto ng bagyong Urduja.
Mahigpit naman ang paalala ni Marasigan sa publiko na iwasan na muna ang pagbiyahe sa simula sa weekend kung saan inaasahang magla-land fall ang bagyo.