BAGYONG URDUJA | NDRRMC, naka-red alert na

Manila, Philippines – Naka-red alert na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Urduja.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, epektibo alas-8:00 ng umaga kanina ay itinaas na ang alerto ng NDRRMC maging ang kanilang mga regional offices na ang lugar ay sentro ng bagyong Urduja.

Ibig sabihin nito magko-convene o magpupulong na ngayon ang mga national regional at local councils ito ay para sabay-sabay na magmo-monitor ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa operation center ng NDRRMC sa mga lugar na sentro ng bagyong Urduja.


Sinabi pa ni Marasigan hanggang ngayong umaga umabot na sa walong libo apat na raan at tatlong katao ang estranded.

Ang mahigit walong libong estranded ay nasa Eastern Visayas, Bicol region at Western Visayas.

Paaalala naman ni Marasigan sa residenteng ang lugar ay sentro ng bagyong Urduja na maging mas alerto.

Facebook Comments