BAGYONG URDUJA | Pag-landfall sa Northern Eastern Samar bukas, inaasahan na

Manila, Philippines – Mas malakas na ulan ang inaasahang bubuhos sa Eastern Visayas dahil sa tropical storm Urduja.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Urduja sa Northern Eastern Samar bukas ng umaga hanggang hapon.

Mararamdaman din ang ulan na dala ng bagyong Urduja hanggang sa Bicol region sa susunod na bente kuwatro oras.


Pinapayuhan naman ang mga residente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para sa posibleng paglikas.

Muli ring nagpaalala ang pagasa sa mga maglalayag sa eastern seaboards ng Bicol region at Visayas na ipagpaliban muna ito dahil sa panganib na dulot ng bagyo.

Facebook Comments