BAGYONG URDUJA | State of calamity, idineklara sa Kananga, Leyte; Agrikultura sa Ormoc, winasak

Leyte – Isinailalim na rin sa state of calamity sa bayan ng Kananga, Leyte dahil sa Bagyong Urduja.

Batay sa resolusyon ng Kananga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ito ay dahil sa malawakang baha na naranasan sa lugar.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang ilan pang bayan sa Leyte, gaya ng Carigara, Ormoc City, at Tacloban City.


Samantala, siyam napung porsyento ng agrikultura sa Ormoc City ang sinira ng Bagyong Urduja.

Sa interview ng RMN kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, apektado nito ang mahigit dalawang libong ektarya ng mga pananim na palay.

Kinumpirma rin ni Gomez na tatlo ang naitalang patay sa kanilang probinsya habang tatlo ang nawawala.

Dahil sa malawakang pagbaha, isinagawa na rin ang force evacuation sa dalawampu’t barangay.

Facebook Comments