Manila, Philippines – Nais ng pamahalaan na maibalik ang supply ng kuryente sa Biliran Province sa December 21 o apat na araw bago ang Pasko.
Sa press briefing kanina sa mismong probinsiya, sinabi ni Energy Usec. Felix William Fuentebella na tinitiyak nito na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya para agad maibalik ang kuryente sa Biliran at sa iba pang lugar sa Eastern Visayas.
Dagdag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque inatasan na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa Department of Public Works and Highways sa clearing operations ng mga daan o lansangan na nasira o hindi madaanan dahil sa bagyo.
Sinabi pa ni Roque na naglabas na ng inisyal na 37 million pesos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para naman sa mga pamilyang apektado ng bagyo.