Eastern Visayas – Isinailalim na sa state of calamity ang Tacloban City, Leyte sa gitna ng patuloy na pananalasa ng bagyong urduja sa Eastern Visayas.
Ayon kay Maila Andrade ng Sangguniang Panlungsod, umabot na sa lagpas baywang ang baha sa buong lungsod dahilan para ilikas na ang mga residente.
Samantala, nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Oras sa Eastern Samar.
Umaabot na sa 3,478 na pamilya ang apektado ng baha sa probinsya ng Leyte at Samar.
Facebook Comments