BAGYONG URDUJA | Update: Signal number # 2 nakataas na sa apat na lalawigan

Manila, Philippines – Palapit nang palapit sa silangang baybayin ng Samar Island ang tropical storm ‘Urduja’.

Huling namataan ang bagyo sa layong 205 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour.


Mabagal ang kilos ng bagyo sa bilis na 5 kph sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran

Signal number 1 naman sa:
Luzon
Catanduanes
Camarines sur
Albay
Sorsogon
Romblon
Masbate (kasama ang Burias at Ticao Islands)

Visayas
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Bantayan Island)
Northern Bohol
Capiz
Aklan
Iloilo

Mindanao
Dinagat islands

Inaasahang magla-landfall sa bahagi ng Northern o Eastern Samar bukas ng umaga o hapon.

Asahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, CARAGA at Bicol Region kung saan pinag-iingat sa posibleng flashfloods at landslides.

Mapanganib pa ring maglayag sa eastern seaboards ng Bicol Region at Visayas.

Facebook Comments