Bagyong Ursula, bahagyang bumagal habang papalapit ng Eastern Samar Signal Number 2, nakataas na sa walong lalawigan

Papalapit na ng kalupaan ang Tropical Storm ‘Ursula’

Huling namataan ang bagyo sa layong 450 Kilometers Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 Kilometers Per Hour at pagbugsong nasa 105 Kilometers Per Hour.


Bahagyang bumagal ang Kilos nito sa bilis na 25 Kph.

Nakataas na Tropical Cylone Wind Signals sa sumusunod:

Signal #2
Sorsogon

Masbate (kasama ang ticao island)

Northern Samar

Eastern Samar

Samar

Leyte

Biliran
Camotes Islands

Signal #1
Bataan

Metro manila

Rizal

Cavite

Quezon

Laguna

Batangas

Camarines Sur

Camarines Norte

Catanduanes

Albay

Marinduque

Romblon

Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)

Oriental Mindoro

Burias Island

Cuyo Islands

Southern Leyte,

Ang natitirang bahagi ng Northern Cebu

Central Cebu

Northeastern Bohol

Aklan

Antique

Capiz

Iloilo

Guimaras

Northern Negros Occidental

Northern Negros Oriental

Dinagat Islands

Surigao Del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands)

 

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Siargao at Bucas Grande Islands.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo bago ito mag-landfall sa Eastern Samar mamayang hapon o gabi.

Mapanganib na ring maglayag simula ngayong umaga sa Eastern Seaboards ng Luzon, Visayas, at Caraga.

Maglalabas ang pagasa ng bagong Weather Bulletin ngayong alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments