Bagyong Ursula, bahagyang humina habang patungo na ng WPS

Patungo na ng West Philippines Sea ang typhoon Ursula.

Huling namataan ang bagyo sa layong 100 kilometers hilaga-hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Humina ang dala nitong hanging nasa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kilometers per hour.


Kumikilos ito west northwest sa bilis na 20 kph.

Nakataas na tropical cyclone wind signals sa sumusunod:

Signal number 2

Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)

Oriental Mindoro

Calamian Islands

Signal number 1

Bataan

Laguna

Cavite

Batangas

Southwestern Quezon

Marinduque

Western Romblon

Natitirang bahagi ng extreme northern Palawan (kasama Cuyo Islands)

Northwestern Antique

Northwestern Aklan

Ayon sa PAGASA, pitong beses na nag-landfall ang bagyo at ang pinakahuli ay nasa southern tip ng Bulalacao, Oriental Mindoro.

Asahan pa rin ang panaka-nakang malalakas na ulan sa Calamian at Cuyo Islands, maging sa Mindoro Provinces at Northwestern Antique.

May mahihinang ulan naman sa Romblon, Aklan, Capiz, natitirang bahagi ng Antique, Marinduque, Calabarzon, Metro Manila, Central Luzon at Palawan.

Nagbabala rin ang PAGASA ng hanggang dalawang metrong taas na daluyong o storm surge sa coastal areas ng Occidental Mindoro at Calamian Islands.

Maglalabas ang PAGASA ng bagong weather bulletin ngayong alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments