Nasa West Philippines Sea na ang typhoon Ursula.
Huling namataan ang bagyo sa layong 155 kilometers hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kilometers per hour.
Bahagyang bumagal ito sa bilis na 15 kph na kumikilos west-northwest
Nakataas na tropical cyclone wind signals sa sumusunod:
Signal number 2
Calamian Islands
Signal number 1
Bataan
Cavite
Batangas
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Island)
Natitirang bahagi ng Extreme Northern Palawan
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Raymond Ordinario – magpapatuloy ang mararanasang malalakas na ulan sa Mindoro Provinces.
May mahihinang ulan naman sa Palawan, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng umaga.