Bagyong Usman, anumang oras ngayong umaga ay magla-landfall sa Eastern Samar

Palapit na ng Eastern Visayas area ang tropical depression Usman.

Namataan ang sentro nito sa layong 65 kilometers, east – southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa mga sumusunod:
Luzon:
Northern Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Groups of Islands)
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands)
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro

Visayas:
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Camotes Islands)
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental

Mindanao:
Dinagat Islands
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – inaasahang magla-landfall na ang bagyo sa Eastern Samar anumang oras ngayong araw.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Linggo ng gabi (December 30) o sa Lunes ng umaga (December 31).

Facebook Comments