Bagyong Usman, bahagyang humina; Signal no. 1, nakataas pa rin sa 20 lugar

Bahagyang bumagal ang kilos ng bagyong Usman habang papalapit sa Eastern Visayas.

Huli itong nakita sa layong 440 kilometers silangan timog-silangan ng Guian, Eastern Samar.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.


Nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number 1 sa:

Luzon:
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate kasama ang Ticao at Burias Island
Visayas:
Aklan
Capiz
Northern Iloilo
Northern Negros Occidental
Eastern Samar
Northern Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu kasama na ang Camotes Islands
Mindanao:
Dinagat Island
Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa at maging tropical storm ang bagyong Usman bago mag-landfall sa Eastern Samar bukas ng hapon.

Kaugnay nito, asahan ang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Dinagat Island simula ngayong araw hanggang bukas na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Buong araw ding uulanin bukas ang Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon Province at Romblon.

Pero pagsapit ng tanghali hanggang gabi, buong Luzon at Visayas na ang uulanin.

Dito naman sa Metro Manila makakaranas din ng thunderstorm habang magiging maganda ang panahon sa Mindanao maliban sa Dinagat Island.

Tatawirin din ng bagyong Usman ang hilagang bahagi ng Leyte, Panay Island at hilagang bahagi ng Palawan bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes.

Facebook Comments