Bagyong Usman bahagyang lumakas habang papalapit ng bansa

Bahagyang lumakas ang tropical depression Usman habang papalapit ito sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzar Aurelio, ang sentro ng bagyong Usman ay nasa layong 775 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kung saan inaasahan na kikilos ito sa west northwest sa bilis na 15kph.

Dahil dito, apektado ng trough ng bagyong Usman ang Eastern Visayas, Dinagat Island, Surigao del Norte at Surigao del Sur.


Posible din daw itong lumakas bago tuluyang pumasok sa bansa bukas, araw ng Biyernes at posible din sa Lunes ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sinabi pa ni Aurelio na ang hanging amihan naman ang siyang patuloy na nakaka-apekto sa Northern Luzon.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila ay makararanas ng maulan na panahon dahil sa localized thunderstorms.

Facebook Comments