Bagyong Usman – halos hindi gumagalaw, signal number 1, nakataas pa rin sa mahigit 20 lugar

Halos hindi gumagalaw ang Bagyong Usman.

Alas 4:00 kaninang hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometers silangan ng guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 65 kph.


Signal number 1 pa rin sa:

Luzon:
– Northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Group of Islands
– Southern Quezon
– Marinduque
– Romblon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Southern Occidental Mindoro
– Southern Oriental Mindoro
– Masbate kabilang ang Ticao and Burias Islands

Visayas:
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
– Aklan
– Capiz
– Iloilo
– Guimaras
– Antique
– Northern Negros Occidental

Mindanao:
– Dinagat Islands

Dahil sa pagbagal ng kilos, sa halip na kaninang hapon, mamayang gabi o bukas ng umaga na inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Eastern Samar.

Simula mamayang gabi, makararanas na ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon habang light to moderate rains sa Metro Manila, Mimaropa, Aurora at natitirang bahagi ng Calabarzon at Visayas.

Sa linggo ng gabi o lunes ng umaga, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Usman.

Facebook Comments