Bagyong Usman, isa na lamang LPA

Isa na lamang Low Pressure Area o LPA si bagyong Usman matapos mag-landfall kaninang ala sais ng umaga sa Borongan Eastern Samar.

Dahil dito, inalis na ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal number 1.

Batay sa PAGASA weather bureau, bagaman at humina na ang dalang hangin ni Usman, magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Aurora province.


Makakaranas naman ng may katamtaman at manaka-nakang malakas na pag-ulan sa Metro Manila.

Bawal pa rin ang pagpalaot sa baybayin ng Northern at Central Luzon, sa eastern at western seaboard ng Southern Luzon at sa eastern seaboard ng Visayas dahil sa malalaking alon dulot ng interaksyon na ng LPA at hanging amihan.

Facebook Comments