Papalapit na ng papalapit ang tropical depression ‘Usman’ sa kalupaan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 435 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph. Kumikilos ito west northwest sa bilis na 20 kph.
Nakataas na ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod
Luzon:
Sorsogon
Masbate (kasama ang Ticao Island)
Visayas:
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Camotes Islands)
Mindanao:
Dinagat Island
Posibleng isailalim na rin sa signal number 1 ang Albay kasama ang Burias Island, Romblon, Aklan, Capiz, hilagang bahagi ng Negros Occidental at ang hilagang bahagi.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – posibleng lumakas pa bilang tropical storm ang bagyo bago ito mag-landfall sa Eastern Samar bukas, December 28.
Magkakaroon na ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands ngayong araw kung saan pinag-iingat ang mga ito sa posibleng flashflood at landslides.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa December 31, 2018.