Bagyong Usman, nagpapaulan na sa kanlurang bahagi ng bansa

Bahagyang bumagal ang tropical depression Usman habang papalapit ng kalupaan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 900 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Bagama’t wala pang nakataas na tropical cyclone warning signals, inaasahang magtataas sa signal number 1 sa mga probinsya ng Eastern Visayas at Northern Caraga ngayong araw o bukas.

Wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa pero maghahatid na ito ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Inaasahang maglaland-fall ito bukas ng gabi sa bisinidad ng Biliran.

Pinag-iingat din ang mga residente sa mga apektadong lugar sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Facebook Comments