Hindi pa rin nagbabago ang direksyon ng tropical depression Usman at tutumbukin pa rin nito ang Eastern Visayas.
Ang bagyo ay namataan sa layong 285 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph.
Nasa 10 kph lamang bilis nito at kumikilos sa direksyong west northwest.
Nakataas ang *tropical cyclone warning signal number 1* sa sumusunod:
Northern Palawan (kasama ang Calamian Group of Islands)
Camarines Norte
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate (kabilang ang Ticao at Burias Islands)
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
Cuyo Island
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu (kasama ang Camotes Islands)
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental
Dinagat Island
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – posibleng lumakas pa bilang tropical storm ang bagyo bago ito mag-landfall sa Eastern Samar mamayang gabi.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Quezon.
Hindi rin inirerekomenda sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na maglayag sa baybayin ng hilangang Luzon, silangang baybayin ng Central at Southern Luzon at sa silangang baybayin ng Surigao Provinces.
Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi (December 30) o Lunes ng umaga (December 31).