Bagyong Usman, napanatili ang lakas habang papalapit ng kalupaan

Papalapit na ng kalupaan ang tropical depression Usman.

Huling namataan ito sa layong 565 kilometers silangan ng Surigao City, Surigao del Sur.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Eastern Samar.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – posibleng lumakas pa ang bagyo bilang tropical storm bago tumama ng kalupaan at kung hindi magbago ang direksyon nito ay unang tutumbukin nito ay ang Eastern Samar.

Inaasahang itataas na rin ang signal number 1 sa Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.

Tatawirin ng bagyo ang hilagang bahagi ng Leyte, Northern Cebu, Panay Island, Sulu Sea at Northern Palawan.

Kaya asahan ang malalakas na ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Island ngayong araw.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa December 31, 2018.

Facebook Comments