Bagyong Usman, posible pang lumakas at maging tropical storm

Posibleng lumakas pa ang bagyong Usman at maging tropical storm bago mag-landfall sa Eastern Samar mamayang gabi.

Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos ito sa pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 65 kph.


Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal no.1 sa:

Luzon:
– Northern Palawan kabilang ang Calamian Group of Islands
– Camarines Norte
– Southern Quezon
– Marinduque
– Romblon
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao and Burias Islands
– Southern Occidental Mindoro
– Southern Oriental Mindoro
– Cuyo

Visayas:
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu kasama ang Camotes Islands
– Aklan
– Capiz
– Iloilo
– Guimaras
– Antique
– Northern Negros Occidental

Mindanao:
– Dinagat Islands
Kaugnay nito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Bawal din munang maglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng Northern Luzon, Eastern seaboards ng Central at Southern Luzon at eastern seabord ng Surigao provinces.

Sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Usman.

Facebook Comments