
Umabot na sa kabuuang 275,458 indibidwal ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng shear line at Bagyong Verbena sa bansa, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Saklaw ng ulat ang mga rehiyon ng MIMAROPA, Region 6, Region 7, Negros Island Region, at CARAGA.
Ayon sa NDRRMC, 48,450 indibidwal o 14,238 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 469 evacuation centers.
Wala namang naiulat na nasawi, ngunit dalawang indibidwal ang naiulat na nawawala sa Negros Island Region.
Sa ngayon, 25 kalsada at 5 tulay ang hindi pa rin nadaraanan.
Patuloy namang nagbibigay ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga naapektuhang residente.
Facebook Comments









