Bagyong Vicky, napanatili ang lakas habang papalapit ng Palawan; Mga lugar na itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1, nabawasan

Napanatili ng Bagyong Vicky ang lakas nito na huling namataan sa layong 220 kilometers silangan timog-silangan ng Puerto Princesa City, Palawan

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong aabot sa 55 km/h na kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Sa ngayon, nabawasan na ang mga lugar na nakataas sa Tropical Storm Wind Signal no. 1 pero nakataas pa rin ito sa;


Northern at Central portions ng Palawan (kinabibilangan ng; Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Espanola) kasama na ang Calamian, Cuyo, Cagayancillo, at Kalayaan Islands.

Maliban sa mga lugar na ito, makakaranas din ng mga pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Zamboanga Peninsula dulot naman ng Tail-end of a Frontal System.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa paminsan-minsang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

Facebook Comments